ANO NGA BA ANG SEKTOR NG ATING EKONOMIYA?
Ito ay naglalayong maisulong at mapabuti ang kalagayan ng mga taong kalahok dito at mapaunlad ang antas ng kanilang gawain.
ANO-ANO NGA BA ANG MGA SEKTOR NG EKONOMIYA?
SEKTOR NG AGRIKULTURA
Ang agrikultura ay isang agham, sining at gawain ng pagpoprodyus ng pagkain at hilaw na mga produkto, pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop na tumutugon sa pangangailangan ng tao.
PAGSASAKA
Ito ay ang pagtatanim ng palay, mais, tabako atbp. May mga suliranin din ang pagsasaka tulad ng kawalan ng lupa, pabago-bago ng panahon at matagal na paggamit ng kemikal na pataba. Kapag nawalan ng lupa ang magsasaka, saan na sila magtatanim? Dahil sa pabago-bago ng panahon, maaaring madamay ang mga palay ng mga magsasaka at maaaring masira pa ang mga ito. Sa kasalukuyang panahon, nauuso na ang mga kemikal na pataba ngunit maaari itong makasira sa ating mga palay.
PAGHAHAYUPAN
Dito na pumapasok ang mga hayop kung saan sila ay inaalagaan ng mabuti upang makakuha ng produkto tulad ng ating pangaraw-araw na kinakain.
PANGINGISDA
Ito ang pangunguha ng mga isda sa dagat. Gumagamit ang mangingisda ng mga lambat upang makuha ang mga isda. Ang suliranin ngayon sa pangingisda ay ang paggamit ng dinamita at mga kemikal na pwedeng makasira ng likas na yaman natin.
PAGGUGUBAT
Isa dito ang pagtotroso. Pagpuputol ng puno upang gawing isang produkto. Sa gubat sila kumukuha ng mga puno at ilalagay sa iba't-ibang makina ang mga hilaw na produkto upang ito ay maging isang panibagong produkto. Dito tayo may malaking suliranin. Dahil sa pagputol nila ng masyadong madaming puno, nagkakaroon na tayo ng mga 'natural disasters' tulad na lamang ng paglindol, pagbaha at masyadong malakas na bagyo. Onti-onti na ding nakakalbo ang ating kalikasan at may mga lupang onti-onti ng nalalason.
PAGMAMANUKAN
Dito inaalagaan ang mga manok upang makapagprodyus sila ng mga itlog na kinakain ng mga tao. Maaari din itong isama sa paghahayupan dahil magkaparehas lang din naman sila.