Monday, March 13, 2017

(1) - SEKTOR NG EKONOMIYA (AGRIKULTURA)

ANO NGA BA ANG SEKTOR NG ATING EKONOMIYA?


Ito ay naglalayong maisulong at mapabuti ang kalagayan ng mga taong kalahok dito at mapaunlad ang antas ng kanilang gawain.

ANO-ANO NGA BA ANG MGA SEKTOR NG EKONOMIYA?

SEKTOR NG AGRIKULTURA


Ang agrikultura ay isang agham, sining at gawain ng pagpoprodyus ng pagkain at hilaw na mga produkto, pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop na tumutugon sa pangangailangan ng tao.

PAGSASAKA


Ito ay ang pagtatanim ng palay, mais, tabako atbp. May mga suliranin din ang pagsasaka tulad ng kawalan ng lupa, pabago-bago ng panahon at matagal na paggamit ng kemikal na pataba. Kapag nawalan ng lupa ang magsasaka, saan na sila magtatanim? Dahil sa pabago-bago ng panahon, maaaring madamay ang mga palay ng mga magsasaka at maaaring masira pa ang mga ito. Sa kasalukuyang panahon, nauuso na ang mga kemikal na pataba ngunit maaari itong makasira sa ating mga palay.

PAGHAHAYUPAN



Dito na pumapasok ang mga hayop kung saan sila ay inaalagaan ng mabuti upang makakuha ng produkto tulad ng ating pangaraw-araw na kinakain.

PANGINGISDA


Ito ang pangunguha ng mga isda sa dagat. Gumagamit ang mangingisda ng mga lambat upang makuha ang mga isda. Ang suliranin ngayon sa pangingisda ay ang paggamit ng dinamita at mga kemikal na pwedeng makasira ng likas na yaman natin.

PAGGUGUBAT


Isa dito ang pagtotroso. Pagpuputol ng puno upang gawing isang produkto. Sa gubat sila kumukuha ng mga puno at ilalagay sa iba't-ibang makina ang mga hilaw na produkto upang ito ay maging isang panibagong produkto. Dito tayo may malaking suliranin. Dahil sa pagputol nila ng masyadong madaming puno, nagkakaroon na tayo ng mga 'natural disasters' tulad na lamang ng paglindol, pagbaha at masyadong malakas na  bagyo. Onti-onti na ding nakakalbo ang ating kalikasan at may mga lupang onti-onti ng nalalason.

PAGMAMANUKAN


Dito inaalagaan ang mga manok upang makapagprodyus sila ng mga itlog na kinakain ng mga tao. Maaari din itong isama sa paghahayupan dahil magkaparehas lang din naman sila.

(2) - MGA BATAS

Sa bawat bansa ay may mga taong na sa matataas na antas tulad na lamang ng pangulo. Dito sa Pilipinas, ang ating mga dating pangulo at kasalukuyang pangulo ay gumawa ng batas na may kinalaman ang ating lupa. Ito ay ang...

REPORMA SA LUPA

Ito ay isang programa na naglalayon na pagkalooban ng sariling lupa ang mga maliliit na magsasaka. Ito din ay kinakasangkutan ng mga pagbabago sa batas hinggil sa pagmamay-ari ng lupa. 

MGA DATING PANGULO

FERDINAND E. MARCOS


Nilagdaan niya ang Batas Republika Blg. 6389, na kilala rin bilang Kodigo ng Repormang Pansakahan ng Pilipinas (Code of Agrarian Reform of the Philippines). Ipinatupad ng ika-49 Seksiyon ng batas na ito ang pagtatatag ng bagong kagawarang may sariling kakayahan, ang Kagawaran ng Repormang Pansakahan, at epektibo itong pumalit sa Pangasiwaang Panlupa.

CORAZON C. AQUINO


Nilagdaan niya ang Batas Republika Blg. 6657, kilala rin bilang Panlawak na Batas sa Repormang Pansakahan (Comprehensive Agrarian Reform Law o CARL), at naging saligang-batas para sa pagpapatupad ng Pinalawak na Programa sa Repormang Pansakahan (Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP). Isa din itong batas na nagbubunsod sa CARP na may layuning itaguyod ang katangang panlipunan at industriyalisasyon.


GLORIA MACAPAGAL ARROYO


Nilagdaan niya ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 456, at muling pinangalanan ang Kagawaran ng Reporma sa Lupa pagbalik sa dating pangalang Kagawaran ng Repormang Pansakahan, sapagkat sumasakop ang Batas ng Komprehensibong Repormang Pansakahan hindi lamang sa reporma sa lupa kundi maging sa kabuoan ng lahat ng mga nauugnay at sumusuportang palingkurang dinisenyo upang iangat ang katayuang pangkabuhayan ng mga tatanggap ng benepisyo.

(3) - MGA SULIRANIN (SEKTOR NG AGRIKULTURA)

MGA SULIRANIN


SULIRANIN SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

  • Mataas na gastusin sa pagsasaka
  • Malawakang pagpapalit-gamit ng lupa
  • Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal 
  • Maliit na pondong laan para sa pananaliksik at makabagong teknolohiya
  • Monopolyo sa pagmamay-ari ng lupa

SULIRANIN SA SEKTOR NG PANGINGISDA

  • Mapanirang operasyon ng Malalaking Komersiyal na mangingisda 
  • Lumalaking populasyon sa bansa
  • Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda


SULIRANIN SA SEKTOR NG PAGGUGUBAT

  • Patuloy na pagtaas ng populasyon
  • Ilegal na pagputol ng puno
  • Mga sakuna

MGA SOLUSYON

  • Tunay na pagpapatupad ng reporma sa lupa
  • Pagtatakda ng tamang presyo sa mga produktong agrikultura
  • Pagbibigay ng subsidy sa maliit na mangsasaka
  • Pagpapatayo ng imbakan, irigasyon, tulay at kalsada
  • Pagbibigay impormasyon at pagtuturo sa mga magsasaka ukol sa paggamit ng makabagong teknolohiya
  • Pagtatag ng kooperatiba at bangko rural
  • Paghihigpit sa mga dayuhang produktong agrikultural na pumapasok sa bansa.

(4) - BENEPISYO NITONG BLOG


Ako ay isang highschool student at inatasan lamang akong gumawa ng isang advocacy gamit itong blog. Ang advocacy na ito ay tungkol sa ating bansang Pilipinas, ang ating ekonomiya. Sa patuloy niyong pagbasa nito ay malalaman mo ang mga problema ng ating ekonomiya. nakapaloob din dito ang mga solusyon sa problema nito. Nakapaloob din dito ang mga ginawa ng mga dating pangulo upang maayos ang mga suliraning ito.

Gusto kong magpasalamat sa mga nakuhanan ko ng impormasyon at mga litrato ukol dito sa gawa ko:


Pag-aralan ng mabuti at indtinidihin ang suliranin ng ating ekonomiya. Kapag ikaw ay may naisip na solusyon, 'wag mahiyang ibahagi ito sa iba pang mamamayan.